
Sang-ayon sa administrasyon ng PLMar, HABITUAL ABSENTEEISM at INCOMPETENCE AS REFLECTED BY STUDENTS' EVALUATION ang naging dahilan ng pagpapatigil nila sa pagtuturo ko. Nagtuturo na ako ng isang linggo at nakapagsimula na rin ng aking leson ngayong 1st semester. Nalaman ko na lang kahapon na napalitan na ako. Nauna pa ang pagkuha ng kapalit ko bago pa ipaalam na napalitan na ko. Hindi ko maiwasang isipin na may kinalaman ang pagdalo ko sa kilos protesta laban sa con-ass at kay GMA pati na rin ang pagsulong ko ng mga isyu ng student council at student rights sa loob ng pamantasan. Hindi raw termination ang naganap kundi nonrenewal of contract dahil hindi pa naman daw ako nakakapirma ng kontrata. (Ni hindi ko nga maalala na pumirma ako ng kontrata noong 2nd Sem at Summer). Ano kaya ang naging motibasyon sa pagkakatanggal sakin sa kalagitnaan ng semestre. Para sa mga estudyante ko, mag-aral kayong mabuti at magmalasakit sa bayan. Magingat ka Pinoy! Walang imposible kay GMA!